Lazada Philippines

Tuesday, June 3, 2014

Pasukan na: Magpa-aral ng Libre sa Kolehiyo

Sabi nila sa kin; nakakaingit daw ako dahil nakakaya kong pag-aralin ang aking mga anak. Lima ang anak ko; apat ang nasa kolehiyo at isang nasa high school. Para silang United Colors of Benetton dahil iba iba ang eskwelahan at lahat ay may dekalidad. Ang dalawang anak ko ay sa UST nag-aaral, ang isa ay sa College of St. Benilde ( La Salle), ang bunsong babae ay nasa UP Diliman at ang bunso at kaisa-isa kong anak na lalaki ay nasa Ateneo de Manila ( High School Level)

Sabi ko sa kanila; ang nakikita nyo ngayon ay bunga lamang ng mga paghihirap at pagtitiyaga ng mga anak ko sumunod sa mga kagustohan ko nood. Ang mga anak na babae ay mga scholar mula ng sila ay tumuntong sa high school at ito ay dahil naihanda sila na magkaroon ng mga talento sa sining.


Ang apat na anak kong babae ay pinalad na makapasok sa Philippine High School for the Arts. Kung paano sila nakapasok doon ay dahil sa matiyaga nila pagsasanay na maging magaling sa larangan ng Sining at higit sa lahat dahil sa Panginoon na nagbigay ng kanilang talento.

Sabay sabay silang nag-aral ng instrumento; ang violin. Pagkatapos noon ay nag-aral din sila ng ballet pati na ang pagtugtug ng piano. Pati na ang linggo ay di naging libre para sa kanila, dahil may art lesson sila kay Fenando Sena. Hwag nyong isipin na kami ay mayaman kaya sila ay nakapag-aral ng mga sining. Siguro nga ung lesson nila sa violin at piano ay may bayad ngunit ung iba ay libre na. Matiyaga lang kasi akong maghanap ng mga libreng pagsasanay.

Ang violin lesson nila ay nagsimula sa St. Paul College, Pasig dahil kailangan nilang magkaroon ng extra curricular. Sumunod na din ang piano para mas mahasa pa sila sa musika ngunit ang pagsayaw ng Ballet ay nagsimula lamang sa aming baranggay. Ang lesson naman ay dahil sa Faber Castell na nagbigay ng libre pag-aaral kay Fernando Sena, kailangan mulang bumili ng ilang pirasong item nila noon at libre ng sumali.

Sa loob ng isang linggo, pagkatapos ng kanilang pag-aaral sa St. Paul College, Pasig; kasunod na nito ang kanilang mga lesson. Tatlong araw ang lesson sa violin at piano, tatlong araw sa Ballet, isang araw sa art.

Salamat na lamang at matiyaga din ang mga anak at kahit pagod at minsan ay ayaw na nilang pumunta sa rehersal ay hindi pa rin sila huminto.

Sa ngayon, halos lahat ng anak ko na nag-aaral sa kolehiyo ay scholar; free tuition fee sa college. 
Nagawa kong mapag-aral lahat ng anak ko ng libre dahil sa kani-kanilang talento. Ito ang naging paraan nila upang makatongtong sila sa kolehiyo at matupad nila ang kanilang mga pangarap.

Si Erica, violinist, 5th year na sa UST: College of Architecture. Naging scholar si Erica ng Megaworld Foundation sa loob ng tatlong taon.

Si Jem, violinist, 4th year na sa UST: College of Music. Full Scholar, kasalukuyang Concert Master ng UST Orchestra, member ng Manila Philharmonic Orchestra

Si Joanne, ballet major, 2nd year na CSB; Diplomatic Affairs ang kurso; full scholar, mananyaw ng ROMANCION

Si Jessa, ballet major, 1st year sa UP, College of Music; Dance Major; scholar ng bayan

Si bunsong EJ ay nangakong magiging varsity player ng fencing para sa Ateneo.

Lahat ay pinaghandaan ko , sa abot ng aking makakaya pero kung hindi siguro sumunod ang mga anak ko sa gusto kong ipagawa sa kanila; di rin mangyayari ito.

Maraming paraan pag gusto; maraming dahilan pag ayaw

Maraming paraan para makapag-aral

Pwedeng mag-aral ng Libre kahit hanggang kolehiyo



3 comments:

  1. thanks for posting and bragging. We are also a family of scholars. marami talagang paraan kung gugustuhin at pagsisikapan.



    ReplyDelete
    Replies
    1. congrats din sa yo rhodora, nxt time post naman natin kung panu din nila ma avail ung mga scholarship na nakuha ng mga anak sa college

      Delete
  2. WOW! Yan din ang pangarap ko para sa anak ko. :-) Thanks for sharing. :-)

    ReplyDelete