Si Anne Curtis ay si Anne Curtis, samantalang si Jasmine Curtis-Smith ay si Jasmine Curtis-Smith.
Si Jasmine ay nag desisyon din na pumasok sa mundo ng showbiz pero gumawa sya ng sarili nyang pangalan sa showbiz. Ung indie film nya na " Puti " ay isang pelikula na maituturing kong nagbigay talaga ng tatak ng kanyang pangalan sa showbiz. Dahil na rin sa kanyang galing, nagkaroon sya ng mga tagahanga; ang mga Jasters. Ang mga Jaster ay nagkalat sa boung Pilipinas, may Jasters Cebu,Jaster Manila at kung san san pa.
Kamakailan lang ay nagkaroon ng pagtitipon ang mga Jaster sa Grand Fan's Day para suportahan nila ang bagong teleserye ni Jasmine Anne Curtis-Smith. Ako ay kabilang sa mga bloggers na naayayahan na dumalo. Nakakatuwa na ang batang paslit na nakita ko noon ay lumaking napakagandang dalaga na ngayon. Ang mga fans ay tuwang tuwa na makasalamuha ang kanilang idolo. Sigawan agad sila pag pasok ni Jasmine sa venue. Nagkaroon ng palaro at kung ano ano pang pakulo para mag enjoy ang mga Jasters. Nagkaroon din ng pagpapalabas ng first screening ng JASMINE
Ang Jasmine ay tungkol sa isang artista na may stalker, si Maskara. Lahat ay gagawin ni Maskara para kay Jasmine upang ito ay sumikat. Love story, action, drama, horror; napakaraming angulo ng Jasmine. Ipapalabas ang Jasmine tuwing Linggo, 9:15pm. Napakaraming sorpresa ang inilaan ng TV5 para sa Jasmine, kasi may online streaming ito na pwedeng mapanood ng mga tagahanga at tagasubaybay nito sa bagong TV5 App. Ang Jasmine ang ung teleserye na inilagay sa digital platform.
Narito ang unang pasilip ko sa inyo ng Jasmine
Ace Saatchi & Saatchi, isang kilalang
advertising company ang incharge sa program's creative content, samantalang ang Unitel
Entertainment, isang respetadong pangalanl sa larangan sa commercial and film production, ay ang program's line producer.
OFFICIAL HASHTAG:
#JasmineTheSeries
No comments:
Post a Comment