Lazada Philippines

Tuesday, June 3, 2014

Pamarta Bali Resort Weekend Get Away

Summer na at di pwedeng matapos ang summer ng hindi ako magpupunta ng beach. Salamat na lang po nagka-ayaan sa opisina na magkaroon ng company outing. Swete lang nasa dinami dami ng aming napagtanungan na kung san pa meron bakante para magpareserba, sa Pamarta Bali Resort kami natapat. Mula Quezon City, ewan ko lang kung traffic lang talaga o mali ung daan na ginamit namin papunta( Subic )  pero inabot kami ng 5 oras bago makarating sa Morong Bataan. Pagdating namin sa Morong, maliit ung mismong kalsada papasok ng Pamarta. Medyo hirap pag bus ang dala nyong sasakyan gaya namin. Siguro kung van baka mas maganda pero halos lahat ng kasabay namin dun eh bus din ang dala. Magagaling lang siguro ung mga driver kasi napagkakasya nilang lumusot ng sabay na di nagkakabanggaan. Pagpasok mula sa Kapitolyo ng Morong, sunod sunod na ang mga beach resort at nasa bandang dulo ang Pamarta Bali Resort. Maganda naman ung lugar, sulit naman ung byahe namin na papunta. Overnight accomodation kasi ang kinuha namin, dumating kami dun ng bandang alas tres ng hapon. 
Halos kami lang ang umokupa ng boung villa, 12 room yata ung nakuha namin


Ang maganda sa Pamarta Bali Resort ay meron syang swimming pool at beach na pwedeng pagpilian.
Handa na ako sa paglangoy
Ang ganda ng whitesand, malinis din naman ang tubig.




Nagkaroon din naman kami ng anak ko na mag snorkling. Nagrenta ng bangka para makarating sa snorkling area. P100.00 per tao ang singil, dapat eh 10 kayo sa isang bangka.

Sobrang nakakatuwa magsnorkling pero dapat may dala ka ng magandang snorkling equipment. Sayang at di kami handa na meron palang snorkling adventure dun. Pinagtyagaan na lang namin ung pinahiram kaya kahit pano nakita ko ung mga isda  at corrals.
May veranda ang bawat kwarto, ung sa amin ay nasa tapat ng beack kay nakarelax na panoorin ung mga tao sa dagat. Sa bawat kwarto ay pwedeng apat ang matulog.
May dalawang kama , may wifi din sila pero di abot sa loob ng kwarto.



May TV din pero, di ka naman pumunta dun para manood ng TV. May cable naman sila kaya makakapili ka ng gustong panoorin habang nagpapahinga.

Meron din silang restaurant na pwede kang mag order kung wala kayong baon. Sila na din ang nagluto ng pagkain namin. Mas maganda pa din na magbaon na lang kahit pa magbayad ng corkage fee.
Ung mga palamuti nila sa hango sa Thai



May public shower kung sa mga Nipa Hut ka lang nag stay.


Sa pangkalahat, pasado na din sa kin ung Pamarta Bali Resort. Sayang nga lang at overnight lang kami, kaya sa susunod eh dalawang gabi na kami dun mag stay. Hanggang sa muli.


No comments:

Post a Comment