Sabi nila sa kin; nakakaingit daw ako dahil nakakaya kong pag-aralin ang aking mga anak. Lima ang anak ko; apat ang nasa kolehiyo at isang nasa high school. Para silang United Colors of Benetton dahil iba iba ang eskwelahan at lahat ay may dekalidad. Ang dalawang anak ko ay sa UST nag-aaral, ang isa ay sa College of St. Benilde ( La Salle), ang bunsong babae ay nasa UP Diliman at ang bunso at kaisa-isa kong anak na lalaki ay nasa Ateneo de Manila ( High School Level)
Sabi ko sa kanila; ang nakikita nyo ngayon ay bunga lamang ng mga paghihirap at pagtitiyaga ng mga anak ko sumunod sa mga kagustohan ko nood. Ang mga anak na babae ay mga scholar mula ng sila ay tumuntong sa high school at ito ay dahil naihanda sila na magkaroon ng mga talento sa sining.
Tuesday, June 3, 2014
Grand's Fan Day : Jasmine
Unang nakilala ko si Jasmine Curtis-Smith noong nasa elementarya pa sya, kaklase sya ng anak ko na si Jem. May taunang family day sa St. Paul College, Pasig at kailangan na dumalo ng mga estudyante kasama pati mga kapatid at magulang. Kasama nya ang ate nyang si Anne Curtis na nag-uumpisa palang noon sa showbiz. Nabalitaan na lang namin na nagpunta na sya sa Australia para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at ang ate Anne naman nya eh nagpatuloy sa pag-aartista.
Si Anne Curtis ay si Anne Curtis, samantalang si Jasmine Curtis-Smith ay si Jasmine Curtis-Smith.
Si Jasmine ay nag desisyon din na pumasok sa mundo ng showbiz pero gumawa sya ng sarili nyang pangalan sa showbiz. Ung indie film nya na " Puti " ay isang pelikula na maituturing kong nagbigay talaga ng tatak ng kanyang pangalan sa showbiz. Dahil na rin sa kanyang galing, nagkaroon sya ng mga tagahanga; ang mga Jasters. Ang mga Jaster ay nagkalat sa boung Pilipinas, may Jasters Cebu,Jaster Manila at kung san san pa.
Si Anne Curtis ay si Anne Curtis, samantalang si Jasmine Curtis-Smith ay si Jasmine Curtis-Smith.
Si Jasmine ay nag desisyon din na pumasok sa mundo ng showbiz pero gumawa sya ng sarili nyang pangalan sa showbiz. Ung indie film nya na " Puti " ay isang pelikula na maituturing kong nagbigay talaga ng tatak ng kanyang pangalan sa showbiz. Dahil na rin sa kanyang galing, nagkaroon sya ng mga tagahanga; ang mga Jasters. Ang mga Jaster ay nagkalat sa boung Pilipinas, may Jasters Cebu,Jaster Manila at kung san san pa.
Pamarta Bali Resort Weekend Get Away
Summer na at di pwedeng matapos ang summer ng hindi ako magpupunta ng beach. Salamat na lang po nagka-ayaan sa opisina na magkaroon ng company outing. Swete lang nasa dinami dami ng aming napagtanungan na kung san pa meron bakante para magpareserba, sa Pamarta Bali Resort kami natapat. Mula Quezon City, ewan ko lang kung traffic lang talaga o mali ung daan na ginamit namin papunta( Subic ) pero inabot kami ng 5 oras bago makarating sa Morong Bataan. Pagdating namin sa Morong, maliit ung mismong kalsada papasok ng Pamarta. Medyo hirap pag bus ang dala nyong sasakyan gaya namin. Siguro kung van baka mas maganda pero halos lahat ng kasabay namin dun eh bus din ang dala. Magagaling lang siguro ung mga driver kasi napagkakasya nilang lumusot ng sabay na di nagkakabanggaan. Pagpasok mula sa Kapitolyo ng Morong, sunod sunod na ang mga beach resort at nasa bandang dulo ang Pamarta Bali Resort. Maganda naman ung lugar, sulit naman ung byahe namin na papunta. Overnight accomodation kasi ang kinuha namin, dumating kami dun ng bandang alas tres ng hapon.
Halos kami lang ang umokupa ng boung villa, 12 room yata ung nakuha namin
Subscribe to:
Posts (Atom)